Droga'y iwasan, para sa magandang kinabukasan.
Ang crystal meth, methamphetamine hydrocloride, poor mans cocaine o mas kilala bilang shabu ay ang tinatawag din na ilegal na droga o ang ipinagbabawal na gamot Ang inhalante, marijuana at heroina ay tatlo lamang sa maraminng halimbawa ng mga ilegal at ipinagbabawal na gamot.
Ang paggamit ng ilegal na droga ay nakapagdudulot ng ginhawa sa katawan ngunit kung ito'y aabusuhin maaari itong makaapekto sa pag-iisip ng isang tao. Kakikitaan ring ng mga sintomas tulad ng panghihina, pangangayayat, pagbabago sa gawi ng pagkain, pangingitim ng ilalim ng mga mata, labis na pagkamasumpungin, may silakbo o bugsong damdamin at palaging galit ang isang taong gumagamit at nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Karamihan sa mga nagiging biktima sa paggamit ng ilegal na droga ay ang mga kabataan. Dala ng kuryosidad, pagrerebelde, problema sa pamilya at pagkakaroon ng masasanabg kaibigan o ang tinatawag nilang BI o bad influence kaya sila ang target o nais akitin ng mga drug pusher upang bumili at gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
Impluwensya at pagkakaroon ng problema ay dalawa pa sa maraming dahilan kung bakit nalululong ang isang tao sa paggamit ng iliegal na droga. Ang problema ay hindi maiiwasan at ang paggamit ng ilegal na droga ay kailanman hindi magiging solusyon sa kahit ano mang problema na iyong pinagdadaanan. Bagaman alam nila ang panganib na dala ng ilegal na droga ay patuloy pa rin sila sa pag-abuso.
Ang patuloy na paggamit dito ay maaari ring makasira sa ating buhay at sa ating kinabukasan. Kaya't habang maaga pa lamang ay itigil na natin ang paggamit ng ilegal na droga. At huwag na nating balakin na sumubok pa.
Salamat sa ideas.
ReplyDeleteTama! Dahil walang maidudulot na maganda yan sa future ng mga kabataan... sa halip mag-aral ng mabuti para sa kinabukasan magkaroon sila ng magandang pamumuhay at drug free...☺
ReplyDeleteTama! Dahil walang maidudulot na maganda yan sa future ng mga kabataan... sa halip mag-aral ng mabuti para sa kinabukasan magkaroon sila ng magandang pamumuhay at drug free...☺
ReplyDeleteTompak!
ReplyDeleteTrue! Sa mga kabataan ngayon na may problema, mapa pamilya o ano pa man yan... hindi Droga ang dapat takbuhan... pwedi niyong alternative ang Sports... dahil once na nasubukan ang Drugs maaring malulon ka dito at hindi na mapigilan pang tigilan.... inyong pakatandaan...
ReplyDelete"DRUGS WILL SHUTTER YOUR DREAMS...."
That's right, but not only their dreams, but also their future..
DeleteTama! Hindi solusyon ang paggamit ng ilegal na droga sa mga problemang kinakaharap sa buhay kundi nagiging dahilan lamang ito sa pagkasira ng buhay ng isang tao.
ReplyDeleteAkala ng iba na kapag gumamit sila ng ilegal na droga nakakalimot sila sa kanilang problema pero ang hindi nila napagtatanto unti-unti nitong sinisira ang kanilang buhay maging ng kanilang kalusugan. Hindi naman saya ang idinudulot ng paggamit ng ilegal na droga kundi kapahamakan hindi lang sa buhay ng gumagamit nito kundi maging sa kapwa niya tao.
DeleteKaya dapat ng itigil ang paggamit ng ilegal na droga lalo na samga kabataan dahil itoy walang maidudulot na maganda sa ating buhay.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteI hate drugs
ReplyDeleteHaving drugs is distroyed you're life and future.. sabi nga nila,sa sandaling sarap! Kapalit ay habang buhay na paghihirap..
ReplyDeleteHaving drugs is distroyed you're life and future.. sabi nga nila,sa sandaling sarap! Kapalit ay habang buhay na paghihirap..
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAng pag gamit ng ipinagbabawal na gamot gaya ng druga ay walang naidudulot na maganda. Itoy nakapagbabago at nakakasira ng utak ng tao. Kaya hwg na hwg kaung gagamit ng druga para hindi masira ang utak at makagawa ng hindi maganda..
ReplyDeleteFor me having illegal drugs like cocaine is absolutely bad..Guys! Always remember your family,if you love them do good and show to them how important they are...
ReplyDeleteIf you having drugs,for sure you can't control you're self. Your mind is like an animal..
ReplyDeleteIf you have a problem, do you think that the best solution is to having or take a drugs? Thats absolutely wrong! The best way is to surrender your will being God to your self. and follow the will of the father...Amen!
ReplyDeleteMinsan totoo ang pagkikipag Barkada ay masama. Kasi kng Isa sa kanila ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot,hindi malayong gawin din ng kaibigan nya.. kaya mas mabuti sa ngaun umiwas muna sa mga Barkada para hindi mapalapit sa disgrasya.
ReplyDeleteGuys! I remember when I was in Manila, I saw in the wall along the street of tondo.. is written, Sa sandaling sarap kapalit ay libong hirap kaya tignan na ang pag gamit ng ipinagbabawal na gamot. I think that was made by Mayor alfredo Lim.
ReplyDeleteAng drugs O druga ay mapanirang bisyo. Hindi lng sinisira nito ang sarili mong buhay kundi pati na rin ang kinabukasan mo at ng buong pamilya mo.ngaun kng may problema ka,idaan mo sa dios at manalangin para masulusyunan kng anuman yon.at hwg na hwg idaanan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
ReplyDeleteAng droga ay sadayang mapanira. Maaaring natatamasa mo ang kasiyahan ngayon ngunit ang lahat ay mayroong kapalit. Hindi mo napapansin na sa kasiyahang naidudulot nito sa mga gumagamit ang unti-unting sumisira sa kanilang katawan at buhay. Sa pagiging depende nila sa mga droga, sila ay napapariwara at nakakagawa ng mga di inaasahang mga pangyayari na maaari nilang pagsisihan habang buhay. Kung kaya't buong puso ako sang-ayon na dapat itigil na ng mga gumagamit ang droga. Itigil na nila ang kahanglang sisira sa kanila. At sang-ayon din ako sa panunukala ni Pres. Duterte dahil kung ating mapapansin marami ang mga kriminal na nahuhuli na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
ReplyDeleteMadami na ang gumagamit ng bawal na gamot mapamatanda o mapa kabataan subalit sa pag gamit nito ay walang maidudulot na maganda sa ating buhay. Sa pag gamit ng bawal na gamot ay madami tayong masasaktan na tao, mapaparirawa ang buhay at nakakagawa ng hindi maganda sa ating kapaligiran. Sumasang- ayon ako kay Pangulong Duterte na itigil ang pag drodroga dahil madami ng mga krimen na nagaganap sa ating bansa dahil sa droga.
ReplyDeleteMaricris Nino ABM 11-B
DeleteHindi po kasi mailagay yong name ko.
Ako ay sumasang-ayon sa lahat ng nabanggit sa blog na ito. Totoo ngang ang paggamit ng ilegal na droga ay makapagdudulot lamang ng masama sa tao. At kadalasan ang paggamit pa ng ilegal na droga ang siyang nagiging dahilan sa pagtaas ng bilang ng iba't-ibang krimen katulad ng pagnanakaw, pagpatay, panggagahasa at iba pa. Napakarami sa ating bansa ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at nakalulungkot isipin na pati ang mga kabataan ay sangkot dito. Wala na ba talagang saysay ang katagang binitiwan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan?" Ano na lamang ang mangyayari sa ating bansa kung patuloy pa rin na dumarami ang mga sangkot na Pilipino kabilang na ang mga kabataan sa illegal na droga? Kaya ako, bilang isang mamamayang Pilipino, ay buong pusong sumasang-ayon na dapat ay maitigil na ang paggamit ng ilegal na droga sa Pilipinas. Nawa'y ang blog na ito'y magsilbing taga-bukas ng ating mga isipan na walang maidudulot na mabuti ang paggamit sa illegal na droga.
ReplyDeleteTama ang kanilang sinabi. Iwasan ang paggamit ng droga para maiwasan ang pagkasira ng iyong buhay. Isipin ang kinabukasan at huwag hahayaang sirain ito ng droga.
ReplyDeletePamella Dafne Simon
ReplyDeleteABM 11-B
Tama. Kinakailangan na talagang ipagbawal ang paggamit ng pinagbabawal na gamot. Kailangan na itong itigil para hindi na makasira pa ng buhay at mapariwala ang buhay ng isang tao. Dapat na talaga itong itigil ng sa ganun magkaroon ng magandang kinabukasan ang bawat isa. Para hindi na makasira pa sa pangarap ng isang tao . Marahil ang iba ay sa kanila ay ang paggamit ng ganitong klaseng gamot ay nakatutulong sa kanila na sinasabi nilang nag bubigay ng lakas ito sa kanila, hindi ito ang dahilan para ipagpatuloy ang paggamit ng ganitong klase ng gamot. Kaya bilang mag aaral sa kapwa ko estudyante . Gabayan po natin ang ating mga sarili para maiwasan po ito at hindi masura ang ating buhay. ☺
Ibinibigay ko ang buo kong pagsang ayon sa blog na ito. Ang droga ay dapat lamang na iwasan. Ito ay dahil tayo ang kabataan. Tayo pa din ang mga pag asa ng ating bayan. Huwag nating sirain ang ating kinabukasan, kalusugan, at kapakanan kapalit lamang ang paggamit ng mga ilegal na droga. Droga ay iwasan. Droga ay labanan.
ReplyDeleteIvan Nicolas. ABM 11 B
DeleteIsa na sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan dahil sa napakaraming buhay ang nawawasak at napipinsala nito. Ang mga taong ay nahuhumaling sa bisyo dahil gusto nilang takasan at kalimutan ang kanilang mga problemang hinaharap. Dahil din sa sobrang katamaran ng mga pilipinong pabanjing banjing lang at mga walang magawa sa buhay kaya wala ng alam gawin kundi lumaklak ng alak at magpakaadik sa droga. Isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nalulong sa bawal na gamot ay ang kapabayaan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Kinakailangan ang masusing pagsusubaybay ng mga magulang sa mga anak para madaling malaman at mapigilan kung sila ba'y gumagamit ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan nagsisimula ang pagkalulong ng mga kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang mga mahihirap na mga pamilya na madalas ay nag-aaway ang mga magulang dahil sa kakulangan ng pera para panggastos sa pamilya. Kaya ang mga kabataan ay nahuhumaling na pumasok sa iba't ibang bisyo lalo na sa paggamit ng bawal na gamot dahil iniisip nila na mawawala daw ang problema kapag gumamit sila nitong bawal na gamot o droga. Nararapat lamang na ipagbawal ang paggamit nito dahil napakaraming depekto nito sa isipan ng tao pati na rin sa lipunan nating mga Pilipino. -Loys Maori B. Salvador, ABM11-B
ReplyDeleteSumasang-ayon ako. Hindi solusyon ang paggamit ng ilegal na droga upang takbuhan o makalimutan ang mga problemang ating kinakaharap. Dahil sa halip na tulungan tayo nitong masulusyunan ito, mas lalo pa tayong nagiging miserable. Sinisira nito ang relasyon natin sa ating pamilya at kaibigan at binubuwag nito ang ating mga pangarap. Sa halip sa kalimutan ang problema, harapin natin ito. Nariyan lang lagi ang ating pamilya't mga kaibigan na handa kang pakinggan sa anumang oras na kailanganin mo sila. At kung hindi mo na talaga kaya, lumuhod ka at tumingala. Nariyan ang Panginoon upang gabayan tayo sa tamang daan.
ReplyDeleteTheresa Basconcillo ABM-B
DeleteKorek. Dapat nang iwasan ang droga. Ang iba'y nasisira ang landas, napapariwara, nakagagawa nang masama at nalalayo na sa Diyos. Kapag may problema, hindi sagot ang droga. Ang magandang gawin ay humanap nang solusyon. Ang droga ay walang maidudulot na maganda sa atin.
ReplyDeleteTama. sumasang-ayon ako na ang droga ay dapat nating iwasan. Ang droga ay isa sa suliranin sa ating bansa na hindi madaling solusyunan dahil laganap na ito. Isa itong salik ng kahirapan at hindi pag-unlad ng ating bansa. Ito ay nakahahadlang sa pagtataguyod ng kunlaran kaya't kailangang iwasan na natin ito upang hindi tuluyang bumagsak sa kahirapan ang ating bansa at nang makamit natin ang ating minimithing kaunlaran.
ReplyDeleteAng droga ay makasasama sa ating kalusugan maging sa ating buhay kaya't tama lamang na ito'y ating iwasan at wag nang subukan pa. Sumasang-ayon ako sa kampanya laban sa ilegal na droga ng ating mahal na presidente sapagkat ang iba't ibang krimen ay talamak na sa ating bansa at karamihan dito ay gumagamit ng ilegal na droga.ito ay hahadlang sa ating mga pangarap at sisirain ang ating kinabukasan. Kung nais nating maging maunlad ang ating bansa ay huwag nang subukan pa ang gumamit ng pinagbabawal na gamot.
ReplyDeleteLahat ng mga nabanggit ay tama. Walang mabuting maidudulot ang paggamit ng droga. Kung gayon bakit mo pa gugustuhin o nanaising gumamit ng isang bagay na makakasama lamang sa iyo. Kung inaakala mong ang paggamit ng droga ang solusyon sa iyong nga problema diyan ka nagkakamali dahil sa totoo niyan ang tanging ginagawa mo lamang ay ang pagtakbo sa iyong mga problema at pag-iwas sa mga ito. At kung inaakala mo namang walang masama sa pagsubok sa paggamit ng droga pwes mali ang iyong inaakala, dahil sa paggamit mo ng droga maaari mong mawala ang lahat ng mga bagay na importante sayo lalong-lalo na ang iyong buhay.
ReplyDeleteCristine Joy Abarra
DeleteABM 11-B
Cristine Joy Abarra
DeleteABM 11-B
Tama lahat ng inyong sinabi at maging ako ay sumasang-ayon sa lahat ng nabanggit sa blog na ito. Sumasang-ayon ako sa maling epekto ng droga o sa maling maidudulot nito sa ating katawan o sa ating kalusugan. Kaya`t bilang kabataan, tayo ay magsilbing gabay sa mga nakababata satin, pangaralan natin silang pangalagaan ang ating kalusugan at wag gumamit ng mga pinagbabawal na gamot. Pangalagaan natin ang ating kalusugan hindi sa maling paraan kundi sa tamang paraan bagkus ito ay para rin lang sa ating sarili at laging tandaan na laging nasa huli ang pagsisisi...
ReplyDeleteBeverly:
ReplyDeletePara makaiwas sa paggamit ng ilegal na droga, piliin natin ang MABUTING KAIBIGAN. Yung kaibigan na dinadala ka sa paggawa ng kabutihan at hindi sa kasamaan. Dahil isa sa dahilan kung bakit sinusubukan ng mga kabataan ang paggamit ng ilegal na droga ay dahil sa udyok ng mga bad influence na kaibigan. "Try mo rin! Pampalakas ng loob!" Nagpaniwala ka naman. Alam natin kung ano ang tama at mali. Mali ang paggamit ng ilegal na droga dahil makakasira ito ng kinabukasan mo. Ma-adik ka hanggang sa hindi mo na alam ang gagawin, hindi mo na makontrol ang iyong sarili dahil sa epekto nito sa'yo. Kaya naman, maganda ang blog na ito dahil pinapaalala nito sa mga kabataan na walang magandang maidudulot ang ILEGAL NA DROGA sa buhay ng isang tao.
Ang paggamit ng ilegal na droga ay kailanman hindi magiging solusyon sa kahit ano mang problema. Nagdudulot man ito ng panandaliang saya at ginhawa ngunit wala naman itong maidudulot na maganda sa ating buhay at sa ating kinabukasan. Isipin mo ang Diyos, ang iyong sarili, ang iyong mga kaibigan at ang iyong pamilya, maraming nagmamahal sayo. Kung nais mong magkaroon ng masaya at magandang kinabukasan, paggamit ng Ilegal na Droga, Itigil na.
ReplyDeleteJoyce R. Hatague.
ReplyDeleteABM 11-B
Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga, inaabusong mga gamot o mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o sa katawan ng tao, subalit maaari ring parehong maapektuhan ang mga ito. Sa malawakang kahulugan, kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga produktong drogang may kapeina, tabako, mga nalalanghap na sangkap o mga inhalante, ang marihuwana o cannabis, heroina, at mga isteroyd.
May mabibigat na mga hindi kapakinabangan ang ilang mga uri ng gamot na mainam sanang nagagamit lamang para sa layunin ng panggagamot, sa halip na kapinsalaan sa tao at kanyang katawan at isipan. Subalit mayroon sa mga ito ang may kaakibat na mga katangian nakakaakit at nakalilikha ng pagkakalulong o hindi maiwasan at hindi mapigil na paghahanap ng taong nakagamit o gumamit na ng mga ito. Humahantong ito sa tuluyang hindi na pagkapigil ng taong iwasan ang mga gamot na ito. Nakagagawa ang mga nakahuhumaling na mga gamot ng pansamantalang damdamin o pakiramdam ng kabutihan o ginhawa ng katawan at pagkatao dahil sa kanilang pag-apekto sa sistemang nerbiyos ng katawan.
Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga, inaabusong mga gamot, o mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o sa katawan ng tao, subalit maaari ring parehong maapektuhan ang mga ito. Sa malawakang kahulugan, kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga produktong drogang may kapeina, tabako, mga nalalanghap na sangkap o mga inhalante, ang marihuwana o cannabis, heroina, at mga isteroyd.
ReplyDeleteMay mabibigat na mga hindi kapakinabangan ang ilang mga uri ng gamot na mainam sanang nagagamit lamang para sa layunin ng panggagamot, sa halip na kapinsalaan sa tao at kanyang katawan at isipan. Subalit mayroon sa mga ito ang may kaakibat na mga katangian nakakaakit at nakalilikha ng pagkakalulong o hindi maiwasan at hindi mapigil na paghahanap ng taong nakagamit o gumamit na ng mga ito. Humahantong ito sa tuluyang hindi na pagkapigil ng taong iwasan ang mga gamot na ito. Nakagagawa ang mga nakahuhumaling na mga gamot ng pansamantalang damdamin o pakiramdam ng kabutihan o ginhawa ng katawan at pagkatao dahil sa kanilang pag-apekto sa sistemang nerbiyos ng katawan.
Sa araw-araw nating pamumuhay tila kasama na talaga sa ating sistema ang isyu ng illegal na droga. Tanggapin man natin o hindi, ang isyung ito ay bahagi na ng ating ginagalawan. Halos araw-araw ito'y laman ng pahayagan ang tungkol dito o ang mga krimen na may kinalaman sa droga. Ang illegal na droga ay tumutukoy sa anumang sangkap, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan at katawan ng tao. Para sa akin ang illegal na droga ay dapat nang iwasan. Alam naman nating lahat na dahil sa illegal na droga marami ng pinapatay ngayon. Dapat ng iwasan ito dahil wala itong magandang maidudulot.
ReplyDeletetama ang lahat ng nasabi. tunay ngang nakakaapekto ang paggamit ng pinagbabawal na gamot. makakaapekto ito sa ating isipan pati na rin sa ating kalusugan. ang droga'y dapat iwasan lalong lalo na ng mga kabataan dahil maaari nitong sirain ang ating mga buhay. dapat nating matutunang umiwas kung alam na nating ito ay bawal at mali dahil maaaring ito ang magiging daan sa pagkasira sa ating buhay. dapat na nating puksain ang paggamit ng illegal na droga dahil sa atin magsisimula ang pagbabago. lagi lamang nating tandaan wala sa umpisa o gitna kundi nasa huli ang pagsisisi.
ReplyDeleteTama lahat ng inyong sinabi.Droga ay itigil na! Ang droga ay isang kemikal na gamot na nakakaapekto sa ating kalusugan.Marami pa itong epekto tulad na lamang ng hindi mo pagkontrol sa iyong sarili,nakakagawa ka ng masasamang gawain.Hindi lang kalusugan/Katawan ang sinisira ng gamot o drogang ito pati na rin utak ng isang tao.Kaya nararapat lamang na puksain ito,itigil na! sapagkat sinisira rin nito ang kinabukasan ng isang tao.
ReplyDeleteSa araw na ito nais kong ibahagi ang aking pahayag na ang iligal na droga ay kailan man hindi ito nakakadulot ng maginhawang pamumuhay kundi nakakadulot ito ng masalimuot na pamumuhay. At para makamit ang nais mong makamtan isa lang ang solusyon nyan kailangang mag bago at itigil ang pag drodroga sa aring bansa.
ReplyDeleteAng iligal na droga ito ang tinututukan ng ating presidente sa ating Pilipinas.kaya ang droga ito ang nakakapag pasira sa ating katawan at pamumuhay.sa aking pahayag sang ayon ako sa mga komento na naihahayag dagil tama nga naman na ang droga ay hindi natin ito kailangan dahil ito ang bawal na gamot kundi ang kailangan ng ating bansa ay kalayaan,pag babago at kapayapaan kaya ang droga itigil, iwasan na, kalimutan na,at mag bago para sa ating Pilipinas...
Duterte said CHANGE HAS COME!
Jimuel kenneth cabacungan po!
ReplyDeleteBase sa inyong mga sinabi naniniwala ako na ang droga ay masama sa kalusugan. At nakakasira ito ng buhay ng isang tao. Dapat na iwasan ang paggamit ng droga dahil wala itong maidudulot na maganda sa iyong kalusugan at higit sa lahat sa iyong kinabukasan. Maaari nitong sirain ang iyong kinabukasan. Kung ikaw man ay may problema, hindi solusyon o hindi dahilan ang paggamit ng droga upang matakasan o malutas mo ang iyong problema.
ReplyDeleteSa ganang akin, sang ayon ako sa mga komento sa blog na ito. Ang droga ang napakalaking panira sa buhay lalong lalo na sa mga kabataan ngayon. Marami na ang nalululon sa mga ipinagbabawal na gamot. At dahil dito ang alam ng mga gumagamit at ito ang solusyon sa mga problema nila sa buhay o ang tanging daan para yumaman. Ngunit hindi I to ang solusyon , dahil sisirain lamang nito ang ating buhay. Huwag nating yakapin ang makamundong gawa. Bagkus sa Diyos tayo lumapit, Siya ang solusyon sa lahat ng kinakaharap mating matitinding pagsubok sa buhay.."Say NO to drugs, say YES to God!'
ReplyDeleteNanarapat lang na ating sugpuin ang paglaganap ng droga sa ating bansa dahil wala itong mabuting maiidudulot dahil hindi lamang ang sarili mo ang maaapektohan maging ang iyong pamilya at mga taong nagmamahal sayo kaya wag mong sayangin ang mga pagkakataon para magbago ka dahil habang may oras kang magbago gawin dahil wala sa una at wala rin sa gitna ang pagsisisi parati itong nasa huli at huwag mong isipin na nagiisa ka dahil nandyan ang Diyos na lumikha sa atin at mga taong nagmamahal sayo.
ReplyDeleteAng ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga, inaabusong mga gamot, o mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa ano mang sangkap , hindi kasama ang tubig at pagkain. ang paggamit ng droga ay nakakaapekto sa pag iisip ng tao. kaya dapat lang na itigal at ipagbawal ang paggamit ng droga dahil hindi ito maganda sa kalusugan ng bawat tao. dapat iligtas ang mga taong gumagamit ng droga upang gumanda at guminhawa ang kanilang buhay. "Iwasan po natin ang droga, upang hindi maligaw ang ating landas. kung di para maging maayos ang ating buhay".
ReplyDeleteSa panahon ngayon talamak na ang paggamit ng ipinagbabawal n gamot. Mapabata man o matanda, walang pinipiling edad ang biktima ng ilegal na droga. Totoo lahat ng nabanggit sa blog na ito wala nga talagang maidudulot na maganda ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Sa amin sa Manila maraming kabataanang nalululong sa masamang bisyo kasama na ang paggamit ng ilegal na droga. Nasisira ang magandang kinabukasan ng bawat kabataan dahil sa paggamit nito. Kaya dumarami rin ang bilang ng mga mahihirap sa ating bansa dahil rin sa patuloy na paggamit nito. Kaya tayongmga kabataan na himdi gumagamit nito ay wag ng magbalak na sumubok.
ReplyDeleteSlots Provider Review - JtmHub
ReplyDeleteSlots Provider Overview: This provider 경기도 출장마사지 also offers an assortment of casino 사천 출장마사지 games and live dealer options. In this review we 광주광역 출장샵 cover the Provider Name: Slot Online, 부산광역 출장마사지 PlaytechMax Bet: £20,000 (GBP)Min Odds: 밀양 출장샵 1.00 (GBP)