Droga'y iwasan, para sa magandang kinabukasan.
Ang crystal meth, methamphetamine hydrocloride, poor mans cocaine o mas kilala bilang shabu ay ang tinatawag din na ilegal na droga o ang ipinagbabawal na gamot Ang inhalante, marijuana at heroina ay tatlo lamang sa maraminng halimbawa ng mga ilegal at ipinagbabawal na gamot.
Ang paggamit ng ilegal na droga ay nakapagdudulot ng ginhawa sa katawan ngunit kung ito'y aabusuhin maaari itong makaapekto sa pag-iisip ng isang tao. Kakikitaan ring ng mga sintomas tulad ng panghihina, pangangayayat, pagbabago sa gawi ng pagkain, pangingitim ng ilalim ng mga mata, labis na pagkamasumpungin, may silakbo o bugsong damdamin at palaging galit ang isang taong gumagamit at nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Karamihan sa mga nagiging biktima sa paggamit ng ilegal na droga ay ang mga kabataan. Dala ng kuryosidad, pagrerebelde, problema sa pamilya at pagkakaroon ng masasanabg kaibigan o ang tinatawag nilang BI o bad influence kaya sila ang target o nais akitin ng mga drug pusher upang bumili at gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
Impluwensya at pagkakaroon ng problema ay dalawa pa sa maraming dahilan kung bakit nalululong ang isang tao sa paggamit ng iliegal na droga. Ang problema ay hindi maiiwasan at ang paggamit ng ilegal na droga ay kailanman hindi magiging solusyon sa kahit ano mang problema na iyong pinagdadaanan. Bagaman alam nila ang panganib na dala ng ilegal na droga ay patuloy pa rin sila sa pag-abuso.
Ang patuloy na paggamit dito ay maaari ring makasira sa ating buhay at sa ating kinabukasan. Kaya't habang maaga pa lamang ay itigil na natin ang paggamit ng ilegal na droga. At huwag na nating balakin na sumubok pa.